Tuesday, March 10, 2009

Pinoy

i received an Email and i thought i should share a part of it here in my blog....


_______________________________________________________
Subject: Mga Kababayan ko !





It's all about values folks! What do you think?






PINOYS AND PINAYS
Meron akong gustong ibahagi para sa ating lahat na mga
PILIPINO. Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan sa
atin. Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang
kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo ngayon na.


Sa ibang bansa: Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya
ayon sa batas.


Sa PINAS: Pag nagkasala ang ang Pinoy, ayaw niyang
maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas.


Sa ibang bansa: Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas
bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.


Sa PINAS: Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw
niya alam na labag sa batas iyon.


Sa ibang bansa: Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa
USA okey lang, katuwiran natin doble kayod na lang.


Sa PINAS: mahilig ka sa last day para magbayad ng tax
minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka
kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin sa halip na
magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa
munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.


Sa Singapore : Kapag nahuli kang nagkalat or nagtapon ng
basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka na 500 Singapore
dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas.


Sa Pinas: Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito,
Sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani Fernando , mali
naman ang pinaiiral niyang batas eh akala mo kung sino..
Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani
Fernando kahit na alam niyang mali siya.


Mga igan, ilan pa lang iyan baka may iba pa kayong alam.


Bakit ang PINOY, pwedeng maging 'law abiding citizen sa
ibang bansa ng walang angal' pero sa sarili nating
bayang PILIPINAS na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi
natin magawa, BAKIIITTTTT? ????????


ETO PA, 'Ang Pilipino NOON at NGAYON':

NOON: Wow ang sarap ng kamote (kahit nakaka-utot)
NGAYON: Ayaw ko ng kamote gusto ko French Fries (imported
eh)

NOON: Wow ang sarap ng kapeng barako
NGAYON: Ayaw ko niyan gusto kong kape sa STARBUCKS
(imported coffee 100 pesos per cup)

NOON: Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong
NGAYON: Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE (Tapos rally
> tayo 'GMA tuta ng KANO ') Di ba tuta ka rin naman.

NOON: Sabon na Perla OK ng pampaligo
NGAYON: Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA, IVORY, etc. may
matching shampoo pa

NOON: Pag naglaba ka batya at palopalo ok na, minsan banlaw
lang sa batis pwede na
NGAYON: Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap
with matching DOWNY pa para mabango. Alam ko mas marami pa
ang alam ninyo tungkol dito, pero mangilan-ngilan lang iyan
para bigyan ng pansin..


Mga Pilipino nga ba tayo? O baka sa salita lang at E-Mail
pero wala naman sa gawa.

_____________________________________________________________

im sorry, wala akong trace kung san nanggaling yung email tlga...

No comments: